Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang naparusahan kaya talamak singitan sa bakuna – Zarate

0 454

Naniniwala ang ilang mambabatas na lantaran na umano ang `bata-bata system’ sa nangyayari ngayon sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19 at wala ng pagsunod sa mga itinakdang regulasyon.

Sinabi ito ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate kasunod ng nabistong patuloy na VIP vaccination o patuloy na pagdami ng bilang ng mga opisyal ng gobyerno o kahit pribadong indibiduwal na una pang nabakunahan kaysa sa dapat unahin o prayoridad.

“Bakit pa gumagawa ng mga batas at rules kung ang mga nasa puwesto sa gobyerno naman din ang nangungunang lumabag dito? In terms of the vaccine roll out, it is very clear that the first priority are the 1.7 million health workers of the country, now why did some government officials had themselves inoculated knowing that the 1.1 million vaccines we have at hand are still not enough for our health frontliners?” giit ng kongresista.

Dito umano ang nakikita ang umiiral `bata-bata system’ at kawalan ng pananagutan.

“This is the problem when the one breaking the rules are the top officials of the land. Pumapasok ang bata-bata system at sagot ko na `yan o arbor. At the current set up there is no accountability and this impunity has got to stop. Dapat mapanagot ang mga maysala ayon sa bigat ng kanilang kasalanan,” dagdag ni Zarate.

Ayon naman kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro: “Follow the leader lang `yan. Hindi matitigil ang ganyang VIP vaccination hangga’t hindi muna iniimbestigahan at mapapanagot ang nanguna sa VIP vaccination ng PSG and other cabinet members/officials na nagpabakuna na sa smuggled vaccine.” (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.