Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang negative RT-PCR test, bawal lumabas ng bansa

0 316

Obligadong magpakita ng COVID-19 RT-PCR negative test result/certification ang lahat ng mga pasahero na may international destinations simula Agosto1, ayon sa inilabas na advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ang ipapakitang COVID-19 RT-PCR negative-test result/certification ay kailangang inisyu ng government recognized accredited testing institutions bago sila payagang makasakay ng kanilang flight.

SM food to go Banner Ad

Partikular na binanggit ang Abu Dhabi, Dubai, Hong Kong,Qatar, South Korea, at Taiwan.

Ang lahat ng mga apektadong pasahero ay mariin na pinapayuhan na makipag-ugnay sa kani-kanilang mga air carrier upang makuha ang mga detalye sa pagpapatupad ng bagong regulasyon.

Ang mga pasahero na walang required negative RT-PCR test result/certification ay hindi papayagang mag-check-in para sa kanilang mga flight. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.