Abante Tonite Interactive

Walang pag-apaw ng tubig sa mga estero – Goitia

223

Tiniyak ng Pasig Ri­ver Rehabilitation Commission (PRRC) sa publiko na walang naganap na insidente ng pag-apaw ng tubig sa mga estero na dumaan sa programang rehabili­tasyon ng ahensiya sa kasagsagan ng matin­ding pagbuhos ng ulan at pagbaha sa Kamaynilaan.

Ayon kay PRRC Exe­cutive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia, sanhi ito ng pagrekober ng mga estero mula sa patuloy na pagkilos, pagpapaunlad, rehabilitasyon at pagmamantine ng ahensiya upang masolusyonan ang suliranin kontra sa mga informal settler.

“Walang paglagyan ang kaligayahan namin dahil hindi kami naharap sa mga problema sa estero na hindi umapaw at walang mga basurang ibinalik nito na nangagkalat sa mga kalsada. Ito talaga ang dapat na nangyayari sa mga lawas-tubig at iba pang tributaryo sa buong Kamaynilaan,” sabi ni Goitia.

Abante Hiring – IT dep

Iginiit pa ng PRRC head na hindi nangyari sa mga estero ang ka­tulad na tagpong ibina­balik ng karagatan ang mga basura sa Roxas Boulevard. Upang maiwasan ang pag-apaw ng Estero de Paco, pinutol ng PRRC river warriors ang malaking puno na ibinuwal ng malakas na hangin sa kasagsagan ng pag-ulan.

Matatandaan na hindi bababa sa 80 tonelada ng basura ang ibi­nalik ng mga alon sa Manila Bay patungong Roxas Boulevard matapos ang walang tigil na pagbuhos ng ulan kamakailan.

“Sa pagkilos ng Ri­ver Warriors ng PRRC pati na rin ang river patrols at community organizers, dahil sa kanilang ipinakitang magandang halimbawa ay nagsilbi silang inspirasyon para sa buong komunidad na ipagpa­tuloy ang pagmamantine at pagpapaunlad ng mga estero,” dagdag pa ni Goitia.

Kamakailan lamang, nagsagawa ang PRRC ng malawakang clean-up drive sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila katuwang si Senador Cynthia Villar at susundan pa ito ng mga serye ng coastal clean-ups sa pakikipagtulu­ngan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at local government units. “Sineseguro ko sa inyo na parurusa­han natin ang mga taong magtatapon ng basura sa mga estero sa pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000,” dagdag ni Goitia.