Walang pagsirit ng COVID sa pista ng Nazareno – OCTA

Wala umanong nakitang epekto ang OCTA Research Group na ang idinaos na kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo ay nagdulot ng pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa OCTA, sa kabila ng pagdagsa ng mga tao sa Quiapo ay hindi pa rin nila nakikita o nararamdaman ang epekto nito sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.
“Baka naman malakas ang power ng prayer nila na-avert nila `yong transmission o somehow nasunod nila `yong social distancing,” ayon kay Dr. Guido David ng OCTA.
Ang nakita pa lamang umano nila ay bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season. (Juliet de Loza-Cudia)