Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang palakasan: Coney ‘di pa napabakunahan ni Vico

0 510

NI: VINIA VIVAR

Nakiusap si Pasig Mayor Vico Sotto sa kanyang constituents na huwag mainip sa pagbabakuna kontra COVID-19 dahil tuloy-tuloy naman daw ang vaccination program nila pero kailangan daw siyempreng maging organized.

In fact, ang nanay nga raw niyang si Coney Reyes ay hindi pa nababakunahan at kailangan ding dumaan sa proseso.

“Huwag po tayong mainip. Nanay ko nga mismo, hindi pa nababakunahan. Baka next week or this weekend pa po ang schedule ni Mama,” sabi ni Mayor Vico sa kanyang Facebook Live kahapon.

“Si Mama, isipin n’yo po. . .(sasabihin sana ang edad), ay baka magalit pala kung sabihin ko kung ilang taon na siya” sabay-tawa.

Pero later ay sinabi rin niya na 67 yrs old na ang kanyang ina at hindi naman daw siguro ito magagalit dahil nasa Google naman.

Bukod sa senior citizen na ito ay may comorbidities (medical conditions) pa raw ang kanyang ina plus lumalabas pa raw ito para magtrabaho bilang artista. Kaya kung tutuusin ay dapat na raw talaga mabakunahan ang ina.

Pero wala raw palakasan at dumaan daw sa tamang proseso si Coney.

“Walang palakasan, dumaan po sa tamang proseso, nag-fill-up siya ng form. Hinihingi pa nga niya sa akin ang link, sabi ko, ‘tingnan mo na lang Ma, sa PIO kung saan ang link.’

“Medyo kinakabahan din siyang mabakunahan pero willing na naman siya,” sey ni Mayor.

Dagdag pa niya, “so, ito pong ginawa natin, by schedule, nanay ko mismo, kailangang i-text muna ng vaccination profiler ng team kung kaylan ‘yung schedule niya. Alam n’yo naman, pinipili natin na maging maayos ‘yung system.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.