Abante Tonite Interactive

Walang ‘palakasan system’ sa I-ACT operation

By
979

“Walang padrino, kahit na sinong opi­syal pa ang sabihin,” ito ang paninindigan ng grupong Inter-Agency­ Council for Traffic (I-ACT) na umano’y walang makakalusot kapag nahuli na sumuway sa batas.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Tim Orbos, kailangang managot ang sinumang lu­mabag sa batas, lalo na sa trapiko na kung saan ay dapat na ­tike­tan o hindi man ay ­kasuhan.

Ito ay kaugnay sa hinuling SUV na iligal na nakaparada sa sidewalk noong Mayo 21 nang magsagawa ang I-ACT ng operasyon sa Doña Hemady St., Quezon City.

Nagpakilalang empleyado ng Malacañang si Dante Guevarra, ang may-ari ng SUV, at isang director ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) at sinasabing nagbayad na lamang ng multa.

“Hindi po pinatakas at pinalusot ng batas ang SUV owner na nagpakilalang taga-Malacañang,” ayon pa kay Orbos.

Batay sa report, dinala ang sasakyan ni Guevarra sa impoun­ding area sa Tumana, Marikina para sa to­wing process at doon nagbayad ng nararapat na penalty.

Ani Orbos, sumunod sa batas trapiko at iwasang magbanggit ng sinuman para makaligtas lamang sa huli.