Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang panalo o talo sa COVID – UP prof

0 423

Hindi umano nakikipagpaligsahan sa pamahalaan ang mga medical expert mula sa University of the Philippines (UP) hinggil sa prediksyon nila sa bilang ng mga maaaring tamaan ng COVID-19 infection.

Ayon kay UP Prof Ranjit Singh Rye, ang kanilang team ay walang ginagawang kompetisyon laban sa pamahalaan at binigyang-diin na sa panahong ito, walang maituturing na panalo o talo sa paglaban sa COVID-19 dahil matagal pa ang pakikibaka para makontrol ang virus.

Paglilinaw pa nito na ang prediksyon nilang 40,000 COVID-19 infection nitong Hunyo ay ibinatay lamang sa bilis ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng virus sa nakalipas na dalawang linggo noong nakaraang buwan. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.