Abante Tonite Interactive

Walang pasadong kandidato sa eleksyon – Mayor Sara

‘Pag basehan ang honesty

248

Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte na walang magiging kuwalipikado na kandidato sa midterm elections sa Mayo 13 kapag gagamiting basehan sa pagpili ng iboboto ay ang katapatan.

Ang pahayag ni Mayor Duterte ay tugon sa sinabi ni Vice President Leni Robredo sa partido ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na hindi sila dapat tumuloy sa kanilang kandidatura kung hindi nila kayang bigyan ng importansya ang kahulugan ng ‘ho­nesty’.

“Kung honesty pag-uusapan natin, disqualified ‘yan lahat,” ayon kay Duterte matapos ang isinagawang proclamation rally sa Calamba City noong Sabado nang gabi.

Sinabi rin ni Duterte kay Robredo at sa mga senatorial bet mula sa Otso Diretso na wala silang ‘moral ascendency’ para ga­wing isyu ang ‘honesty’ sa mga kandidatong iniendorso ng HNP dahil maging sila ay hindi tapat sa kanilang mga pahayag.

“Ang sinabi ko, dapat hindi nila ginagawang issue ang honesty because sila mismo, they are liars,” ayon kay Duterte.