Abante Tonite Interactive

Walang Pinoy na nadamay sa Libya explosion

200

Iniulat kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Libya sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay na kung saan dalawang staff members ng United Nation Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi at ilan ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang car bomb sa isang shopping mall sa Hawari District ng Benghazi.

Sa ngayon ay mahigpit na mino-monitor ng embahada natin sa Libya ang sitwasyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) matapos maganap ang car bomb explosion sa nasabing bansa.

Ayon kay Ambassador Elmer Cato, ang car bomb explosion na naganap ay malapit sa isang supermarket at mga tindahan na madalas na pinupuntahan ng ilang Pilipino.

Sinabi pa ni Catu, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Libya sa Filipino Community doon.

Payo naman ng DFA sa mga Pilipino na narooon gawin lahat ng kinakailangan pag-iingat, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang pagpunta sa mga lugar na idineklara na hindi ligtas o may banta ng kaguluhan. (Armida Rico)