Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang pruweba vs COVID – DOH

0 167

Naglabas din kahapon, Abril 5, ng pahayag ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa isyu ng Ivermectin.

Nilinaw ng DOH at FDA na lahat ng produktong Ivermectin na kasalukuyang nakarehistro sa bansa ay para sa veterinary use lamang at pinapayagan lang gamitin laban sa internal at external parasite at sa heartworm disease ng mga hayop.
Inamin naman ng FDA na may inihain sa kanila na aplikasyon noong Marso 31 para sa product registration ng ‘concerned parties’.

Base rin umano sa mga pag-aaral ng The Philippine COVID-19 Living CPG Reviewers ay lumabas sa anim na ‘randomized controlled trial’ na wala namang epekto ang Ivermectin sa COVID-19.

“Ivermectin DID NOT SIGNIFICANTLY REDUCE the risk of mortality among patients with mild to severe COVID-19 cases,” ayon sa DOH at FDA.

Sang-ayon umano ang DOH sa COVID-19 Living CPG Reviewers at hindi nila inirerekomendang gamitin ang Ivermectin bilang gamot laban sa COVID-19.

Dagdag pa ng DOH na mismong si Dr. Abeyasinghe ng WHO ay nagpahayag na rin na walang katibayan na nakagagamot ng COVID-19 ang Ivermectin.

Kailangan pa umanong mapag-aralan ang paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19 sa pamamagitan ng clinical trial.

“The DOH and FDA are open to allowing pharmacies for compounding Ivermectin. Moreover, we, the DOH and FDA, as well as Malacañan put the safety of Filipinos first before allowing unproven and uncertified medicines in the country,” ayon pa sa pahayag ng dalawang ahensiya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.