Abante Tonite Interactive

Walang PSL live coverage: TV5-MVP bugbog sa socmed

348

Dumayo ang 7th Philippine SuperLiga 2019 All-Filipino Conference sa Cadiz City at Silay City bilang bahagi ng PSL-on-Tour nitong Hulyo 2 at 4.

Ilan sa mga fan roon ay nasaksihan ang maiinit na hambalusan, ngunit dismayado naman ang ilansa no live coverage sa liga ng ESPN5 o TV5.

Imbes na mapanood ng live, ta­nging delayed telecast lang ang i­nabangan ng mga ito.

Bumuhos sa Twitter ang pagkadismaya ng mga netizen.

“Having a strong media partner, ‘Partner’ being the operative word. That’s where @PVLph trumps @SuperLigaPH @Sports5PH@ABSCBNNewsSport #PSLonESPN5#PSLAllFilipinoConference2019” tweet ni Animo Caviteño (@jfdm76)
“Wag mo na i hype please! Nasasaktan lang kami kasi d namin mapapanuod agad! sana sana na anticipate nyo to! Willing to wait but iba pag may update agad!” hirit naman ni Lhorenz-Ehmer Ramos (@emziramos)
Ganun pa man, nag-provide ulit ang PSL ng TV coverage nitong Sabado nang dumayo ang liga sa Malolos, Bulacan. (Janiel Abby Toralba)