Abante Tonite Interactive

Walang rekord ng kapanganakan

246

Dear Atty. Claire:

Good day po. I saw your column sa newspaper po. I would just like to inquire sana sa case ng kapatid ko po. My parents are not married. When we tried to get my sister’s birth certificate, we learned that the nurse didn’t forward her details so she has no NSO record. Kailangan na po ngayon ng PSA sa pagpapa-late register po sa kanya and we don’t know if puwede pa po ba niya gamitin ‘yung surname ng father ko or kailangan s’ya magpabinyag ulit and use my mother’s last name. She was born 10/22/2009. We would appreciate it po if you can answer our inquiries regarding the matter. Godbless po.
Salamat po,
Kris

Ms. Kris:

Huwag na kayong magpabinyag na muli at magkakaroon pa kayo ng panibagong problema. May batas naman tayo na maaaring tumugon sa problema ng kapatid mo tungkol sa birth certificate.

Ayon sa RA 9255 as mandated by Republic Act No. 10625 ay maaaring magamit ng kapatid mo ang apel­yido ng tatay mo sa ganitong pamamaraan:
Rule 8. Effects of Re­cognition 8.1 As a rule, an illegitimate child not acknowledged by the father shall use the surname of the mother.

8.2 Illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of the mother if no AUSF is executed.

Related Posts

8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardian, in the absence of the mother, executes the AUSF.

8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence as attested by the mother or guardian.

8.5 Upon reaching the age of majority, an illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of his father provided that he executes an AUSF without need of any attestation.

Para sa mga batang ipinanganak noong Agosto 3, 1988 hanggang Marso 18, 2004 ay hindi maaaring basta gamitin ang apelyido ng ama kung hindi dumaan sa korte ang usapin.

Dahil sa ipinanganak naman siya noong 2009 ay sakop siya ng pag-implementa ng RA 9255 at kailangan lamang na may acknow­ledgment ang inyong tatay na anak niya ang kapatid mo ayon sa paragraph 8.4 ng batas na nabanggit.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245/410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.