Abante Tonite Interactive

Walang rekord ng kapanganakan

294

LET’S CLEAR IT
Atty. Claire Castro

Good day po Attorney,
Magandang umaga po. Tanong ko lang po kasi ngayon nagpapa-late register ako kasi no record ako sa PSA.

Tapos sabi po sa munisipyo namin kaila­ngan daw po apelyido ng mama ko ang gamitin ko kasi daw po hindi sila kasal at naabutan din daw po ako ng batas ma’m.

Tanong ko lang po na kung pwede ko ba gamitin apelyido ng tatay ko kasi simula po bata ay ‘yun na gamit ko. Kasama ko naman po tatay ko at nagsasama naman sila papa at mama.
Maraming salamat po,
Angela

Ms. Angela,
Kung may birth certificate ka na ay huwag na huwag ka nang magpa-late register kasi lalo kang magkakaproblema sa mga susunod na panahon. Ang dapat gawin ay ayusin na lamang ang birth certificate mo.

Related Posts

Hindi mo nabanggit kung ang nanay o tatay mo ba ay kasal sa iba kaya hindi sila makapagpakasal. Kung may mga iba pa silang asawa ay mananatili kang illegitimate ma­liban lamang kung magkakaroon ng adoption.

Kung naipanganak ka naman na sila ay parehong binata at dalaga at nagpakasal naman matapos kang mapa­nganak ay maaari mong ayusin ang birth certificate sa pamamagitan ng pag-file ng Application for Legitimation.

Kung hindi ito applicable sa iyo ay maaari mo pa ring magamit ang apel­yido ng tatay mo sa pamamagitan ng RA 9255. Ngunit sa ngayon ay pinaiiral ng PSA ang rules and regulations na lahat ng pinanganak noong August 3, 1988 hanggang March 18, 2004 ay hindi magagamit ang provision ng RA 9255 at kakailanganin pa nilang magsampa ng petition sa korte para maiayos ang surname mo.

Ngunit kung ikaw naman ay pinanganak sa araw ng Marso 19, 2004 sa susunod na araw ay maaari mong ipaayos ang apelyido at gagawa ang tatay mo ng Affidavit to Use the Surname of the Father at pati ang nanay mo ay magsasagawa ng pagsang-ayon sa paggamit mo ng apelyido ng tatay mo.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 4107-624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.