Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang RFID `di huhulihin hanggang Jan 11

0 121

Hindi muna huhulihin ang mga motoristang wala pang radio frequency identification (RFID) sticker ang mga sasakyan hanggang Enero 11, 2021, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.

“Wala pong mangyayaring hulihan mula December 1 hanggang January 11, 2021 para sa mga sasakyang walang RFID,” saad sa DOTr Facebook page hinggil sa tanong kung magkakaroon ba ng hulihan sa mga toll gate simula Disyembre 1 kung wala pang RFID sticker ang motorist..

Nilinaw naman ni DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran na ang deadline sa Disyembre 1 ay para sa implementasyon ng mga toll operator ng cashless transaction at hindi sa pagkakabit ng RFID sticker.

Inihayag ng DOTr na magpapatuloy ang pagkakabit ng RFID sticker kahit matapos ang Disyembre 2020, lalo na para sa mga first time toll user at sa mga bagong sasakyan.

Subalit matapos umano ang Enero 11, hindi na lahat ng lane sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane. Magtatalaga na lamang ng isa o dalawang stickering lane at maaari umanong matiketan ang isang motorista kung pipila ito sa mga RFID only lane, lalo na kung magdudulot ng abala sa mga sasakyang nasa likuran nila. (Dolly B. Cabreza/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.