Abante Tonite Interactive

Walang Sasantuhin

709

Ni: Issa M. Santiago

***

Naging mabilis ang pangyayari sa 30-taong career ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Director, Police Major General Guillermo Lorenzo T. Eleazar matapos siyang maitalagang director ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group noong Enero 2016.

Agad siyang tinapik para maging district director ng Quezon City Police District (QCPD) noong Hulyo 2016 kung saan walang tigil ang naging kampanya niya laban sa iligal na droga at iba pang uri ng krimen sa lungsod.
Nagbunga ang kanyang kasipagan, dahil sa pagtatapos ng 2017, napili ang QCPD bilang ‘Most Trusted District’, batay sa mga survey ng National Police Commission o NAPOLCOM.

Nagmarka rin siya sa Police Regional Office Calabarzon (PRO-4A) kahit sandali pa lang ang pagkakaupo niya rito noong Abril 2018.
Makalipas ang dalawang buwan, na-promote siya at nailipat sa NCRPO bilang regional director.
Ang NCRPO ang pinakamalaking rehiyon sa buong bansa na mayroong 17 police office na ma­laki rin ang mga responsibilidad.
Matapos niyang maitalaga rito, sunod-sunod ang mga natanggap na award ng NCRPO, isa na rito ang pagiging ‘Best Region’ sa giyera kontra droga at internal cleansing.

***

Police scalawag pupulbusin

Pinagpapatuloy ni Gen. Eleazar ang sinimulang internal cleansing ni dating PNP chief Ronald dela Rosa kaya zero tolerance­ sila sa mga pulis na sangkot sa droga.
Hindi siya nangi­ngiming sibakin ang mga tiwaling pulis dahil napakarami aniyang gustong maging alagad ng batas lalo na’t dinoble ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suweldo ng kapulisan.
Naniniwala siyang kapag sagad na sa buto ang kalokohan ng isang pulis, kahit tatlong beses pang taasan ang sahod nito, hindi pa rin magbabago kaya wala silang magagawa kundi pulbusin ang mga ito.
Katunayan, daan-daan nang police personnel ang inalis nila sa serbisyo na karamihan ay sangkot sa robbery extortion o pangi­ngikil.
Maging ang mga senior official ay sinisibak sa puwesto dahil sa command responsibility para ipakita sa lahat ng commander na dapat binabantayan nila ang kanilang mga tauhan.
Magdadalawang-isip umano ang PO1 o Patrolman na gumawa ng kalokohan dahil alam nila na hindi kukunsintihin ng kanyang commander at mga kasamahan ang baluktot niyang aktibidad.

***
Krimen sa NCR tinarget,
nabawasan ng 58%

Dahil sa pagiging bahagi ni Gen. Eleazar ng Team NCRPO noong Hulyo 2016, naibaba nang mahigit sa kalahati ang index crime sa rehiyon sa unang 36 buwan ng Duterte administration kumpara sa nakaraang administrasyon, maging­ ang peace and order sa mga lungsod ay bumuti.
Sa unang taon din niya sa NCRPO, si Gen. Eleazar ang nakapagtala ng zero casualty noong 2018 Christmas season at 2019 midterm elections.
Nakapag-aresto rin ang NCRPO nang mahigit 73,000 suspek mula nang ikasa ng pamahalaan ang war on drugs noong Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2018.
Malaki umano ang nagawa ng war on drugs ng kapulisan para maibaba ang kriminalidad sa NCR.

***

“2018 Man of the Year”
ng himpilang DZRH dahil sa 61% na nakuha niyang boto sa taumbayan
Pinarangalan din siya ng Metrobank Foundation noong Pebrero 2019 dahil sa tuloy-tuloy na mahusay niyang pagseserbisyo sa crime prevention at crime solution.

***

“ Cavalier Award”
Pebrero rin nang putungan siya ng Philippine Military Academy (PMA) ng isa sa top cavalier award sa Alumni Homecoming­ of 2019 na ginanap sa PMA Grounds sa Baguio City.

***

Nagpapa­salamat naman si Gen. Eleazar sa mga mamamayan sa suporta nito dahil wala umano silang entrapment operation kung walang sumbong na nagmumula sa mga ito.
Umaasa siyang patuloy na pagkatiwalaan ng taumbayan ang kapulisan dahil handa silang ialay ang kanilang sarili para masugpo ang krimen.
At para mabilis na makarating ang mga reklamo at sumbong naglunsad sila ng programang “Pulis na Abusado, Pusher at Maloko Agad I-send mo sa Team NCRPO” sa pamamagitan ng hotline nilang 0915-888-8181 at 0999-901-8181.