Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang sukuan! De Lima sasabak uli sa Senado

0 48

Tahasang sinabi ni opposition Senator Leila M. de Lima na ang kapalpakan ng administrasyon at patuloy na panggigipit sa kanya ang nagbigay ng lakas ng loob upang muling tumakbo bilang senador sa 2022.

Lumiham si De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte at ipinaabot ang ilang disgust sa pasmamahala nito partikular sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), kampanya laban sa droga at ang malalang korapsiyon at ang pagbulusok ng ekonomiya.

Ang naging kasalanan aniya niya ay ang pagsa­lita laban sa extra judicial killings (EJK) kaya siya pinatawan ng mga gawa-gawang kaso hinggil sa droga ngunit ang mga tao na may kinalaman sa droga katulad ni Peter Lim ay nananatiling nakakalaya.

Binigyan diin pa ni De lima na maayos ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng nakalipas na administrasyon at katunayan ay nakapag-iwan pa ng mala­king budget surplus pero sa unang taon pa lamang ni Duterte ay winaldas na ito at kabi-kabila agad ang utang ng bansa.

Ayon pa sa senador ang kasalukuyang utang ay pinakamataas sa buong kasaysayan ng Pilipinas na doble pa sa pinagsama-samang inutang ng lahat ng nakaraang administras­yon mula kay Pangulong Cory Aquino.

Sa kabila ng halos limang taong pagkakabilanggo, patuloy ang trabaho ni De Lima na kilala din bilang kampiyon ng human rights at social justice.

Nakapagsampa ito ng mahigit 500 panukalang batas at mga resolusyon, at nakakapag-akda at naisabatas ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, Magna Carta of the Poor Act, Community-Based Monitoring System Act, and the National Commission for Senior Citizens Act.

Leave A Reply

Your email address will not be published.