Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang tablet pang-online class, nagpakamatay

0 80

DAHIL hindi umano nabilhan ng gadget para sa online class, nagbigti ang isang Grade 12 na lalaki kamakalawa sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte.

Ayon sa Pasuquin Police Station (PPS), ang 19-anyos na biktima ay senior high school sa Laoag City.

Sa report, bago nagbigti ay nagpapabili umano ang biktima sa magulang ng tablet computer

para gamitin sa kanyang online class o module.

Ngunit dahil sa kahirapan, hindi ito napagbigyan ng magulang bagay na labis nitong ikinalungkot hanggang sa matagpuan na lamang itong nakabitin sa kuwarto.

Napag-alaman na matagal na umanong naiinggit ang biktima sa kanyang mga kaklase dahil kumpleto sila sa mga online gadget. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.