Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang testigo! Comelec nganga sa vote buying

0 40

Hindi makapagsagawa ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga naiulat na insidente ng vote-buying nitong nakaraang halalan dahil sa kawalan ng testigo.

Ayon kay Commissioner Aimee Ferolino, umabot sa mahigit 1,000 ang mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa vote buying.

Si Ferolino ang itinalaga para pamunuan ang Task Force Kontra Bigay na target ang mga sangkot sa pamimili ng boto.

Ang problema aniya, inihain ang mga reklamo sa pamamagitan ng Facebook at email, at kulang din ang ebidensya ng ilan sa mga ito.

“Many of the reported vote buying incidents na dinulog doon, takot naman mag-testify, o walang witnesses, o walang ebidensya,” sabi ni Ferolino.

Bukod pa rito, kulang din aniya ang mga naibigay sa kanilang impormasyon kaya’t hirap silang matunton ang mga pinangyarihan ng mga sinasabing insidente ng vote buying.

Sa kabila nito, iilan lang aniya ang iniulat na may sapat na ebidensiya at testigo.

Tiniyak naman ni Ferolino na sisiguruhin ng kapulisan ang kaligtasan ng mga lulutang na testigo. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.