Abante Tonite Interactive

Walang Tolentino, FEU sinuwag ang Ateneo

inararo!

By
0 348

Standings W L
AdU 5 1
ADMU 5 2
FEU 5 2
DLSU 3 3
UP 3 4
UST 3 4
NU 1 5
UE 1 5
Mga laro sa Sabado:
(Mall of Asia Arena)
2:00 p.m. – UE vs NU
4:00 p.m. – Adamson U vs DLSU

No Arvin Tolentino. No problem.

Kulang sa sandata ang Far Eastern University Tamaraws pero nasuwag pa rin nila ang defending champion Ateneo Blue Eagles 63-60 kagabi sa 81st UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Abante Hiring – IT dep

Nagtulong-tulong sa opensa ang mga bataan ni FEU coach Olsen Racela upang punan ang serbisyong iniwan pansamantala ng kanilang pambatong si Tolentino na napatawan ng one-game suspension.

Walong players ng Tamaraws ang nag-ambag sa opensa kaya naman nakuha nila ang mahirap na panalo at ilista ang 5-2 karta.

“I just want to give credit to our players,” saad ni Racela.

Tumikada si Hubert Cani ng 12 points, anim na assists at limang rebounds habang bumakas sina Axel Iñigo at JR Parker ng tig-siyam na puntos para sa FEU.

May tig-walong puntos naman para sa Tamaraws ang inam­bag nina Prince Orizu at Brandrey Bienes.

Bagama’t mabagal na inum­pisahan ng Tamaraws ang laro ay naligtasan pa rin ang Blue Eagles na pinamunuan ni Angelo Kouame.

Namarako si Kouame ng 16 pts. at 12 boards.