Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang trabaho ‘pinaiyak’ ni Gretchen

0 180

UMABOT na 500 ang bilang ng bisikletng naipamigay ni athlete-host Gretchen Ho ngayong may pandemya.

Para sa ika-500 bike, inihandog ng kilalang dating balibolista ang biskleta kay Eric Jimenez na isang construction worker na nawalan ng trabaho.

“Nakita siya ng mga cameraman ko sa Katipunan Ave, ganito’t may karatula’t nanlilimos. Galing pang Baseco si Kuya Eric pero nalakad niya hanggang dito,” lahad ng dating Ateneo Lady Eagle middle blocker sa Twitter.

“Mangiyak-ngiyak si Kuya Eric nung natanggap niya yung bisikleta. Nagkaroon kasi siya nang kaunting puhunan para magbenta ng softdrinks pero hindi rin daw masyadong tumubo dahil sa bagyong #RollyPH.”

Ayon pa kay Ho, magbebenta rin daw ang kanyang natulungan ng barbecue gamit ang bike dahil may nakahanda na itong delivery box. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.