Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang trabaho puwede mag-apply kay Digong

0 106

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong wala pang trabaho subalit may civil service eligibility na mag-apply sa kanya para mapalitan ang mga tiwaling kawani sa gobyerno.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan Lunes ng gabi, isinapubliko ng Pangulo ang pangalan ng mga opisyal at kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sinuspinde ng Office of the Ombudsman dahil sa isyu ng katiwalian at iba pang mga kaso.

Sinabi niyang maraming naghihintay na kuwalipikado para makapagtrabaho sa gobyerno at palitan ang mga bulok na kawani at opisyal sa mga ahensiya ng pamahalaan.

“I suggest na kayong mga first grade eligible, huwag na kayong mag-padrino-padrino. Mag-apply kayo sa Civil Service, the Civil Service will check the recommendations and I’ll appoint you,” ani Duterte.

“Walang politika. Pagka magdala ka sa akin ng application tapos may sulat na ganito, ‘I endorse sa…’ Wala yan,” dagdag niya.

Kasabay nito, inatasan ni Duterte ang DSWD na ipadala sa kanyang tanggapan ang suspension order ng mga pinangalanang opisyal at kawani ng DSWD official para tuluyang masibak ang mga ito. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.