Abante Tonite Interactive

Walang transport crisis – Palasyo

0 138

Hindi kumbinsido ang Malacañang na mayroong nararanasang mass transport crisis matapos magka-problema ang ­power rectifier ng Light Rail Transit 2 ­(LRT-2) na naging dahilan para masuspinde ang ­operasyon nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ­nakakarating pa naman ang mga pasahero sa kanilang destinasyon kaya malinaw na walang krisis sa mass transport.

“Mukha namang wala pa. Wala. Kasi nga nakakarating pa naman ‘yung mga dapat makarating sa kanilang pupuntahan. May transportation naman ah. nakakasakay naman tayong lahat. Nandiyan pa naman ‘yung tatlon g LRT ba ‘yun,” ani Panelo.

Nabasa aniya nito ang paliwanag ng mga taga-LRT kaugnay sa insidente ng nasunog na power rectifier at mas malaki naman ang ipinagbago sa ngayon kumpara noong nakalipas na administrasyon na halos-araw araw ay pumapalya ang takbo ng mga LRT train.

Angkas may ­libreng sakay
Sinorpresa ng motorcycle ride-hailing service Angkas ang mga apektadong pasahero LRT-2 nang magkaloob ng ­libreng sakay kahapon.

Ang Angkas free ride ay magiging available hanggang sa Huwebes mula alas-otso nang umaga hanggang alas-siyete nang gabi mula Santolan hanggang Recto station at vice versa.

Kahapon ang libreng rides ay nagsimula ng alas-otso nang umaga hanggang alas-diyes nang gabi.

Ibinahagi ng ­Angkas rider sa kanilang ­Facebook ang mga ­larawan ng mga ­commuters na ­nagpasalamat sa ­libreng rides.

Sa pahayag ng ­Angkas provider, pinag-aaralan na ang long term plan na maglagay ng mga bikers sa mga apektadong lugar at magbibigay sila ng mga promo o discount.

Inasahang ­isusunod na rin sa partial open ang Anonas Station hanggang Recto sa mga susunod na araw. ­(Juliet de Loza-­Cudia/Armida Rico/Aileen Taliping)