Abante Tonite Interactive

Walang tubig! Angat, Ipo dam kritikal level na

357

Malaki umano ang posibilidad na magpatupad ng rotational service interruption ang Manila Water Company sa east zone concessionaire dahil nasa critical level na ang tubig sa Angat at Ipo dam.

Kabilang sa mga maapektuhang lugar ang 23 cities at munisipalidad sa silangang bahagi ng Metro Manila kabilang Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, ilang bahagi ng Quezon City at Maynila kasama ang 14 towns sa Rizal province

Sa advisory ng Manila Water, patuloy na nababawasanm ang tubig sa Angat Dam na nai-record sa 162.78 meter noong June 16 na malapait na critical level na 160 meters.

“As a result, Manila Water may need to make further operational adjustments affecting water supply for our customers,” sabi pa ng kumpanya.

Bunsod nito, malaki ang posibilidad na mawalan ng tubig ang ilang lugar na siniserbisyuhan nito sa east zone.

“Kami po ay patuloy na magbibigay ng mga updates hinggil sa kalagayan ng supply ng tubig,” sabi pa ng Manila Water.