Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walang tunay na tagumpay kundi galing sa Diyos!

0 145

Nag-uumapaw ang emosyon na tinaggap ni Hidilyn Diaz ang kanyang Olympic gold medal sa podium kamakalawa. Habang tinutugtog ang ‘Lupang Hinirang,’ tulo ang luha ng 30-anyos na atleta matapos itong maksaysayang makagawa ng bagong world record sa weightlifting category na nagbigay ng kauna-unahang gintong panalo sa Pilipinas sa loob ng halos isang daang taon mula nang maitatag ang Olympics.

Makabuluhan para sa mga Katolikong Pinoy ang pagkapanalo ni Diaz, sapagkat sa entablado hindi ang gintong medalya ang itinaas at ipinakita ng dalaga sa madla kundi ang suot na ‘Miraculous Medal’ ng Mahal na Birhen. Saad ni Hidilyn nagulat daw siya nang makayanan niya ang bigat ng barbel sa 55-kg weightlifting event sa 2020 Tokyo Olympics. Giit ng atleta, ang Panginoong Diyos ang nagbigay sa kanya ng lakas!

Kuwento ni Hidilyn, mahaga ang Mapaghimalang Medalya na regalo sa kanya ng isang kaibahan. Ito aniya ang pinanghawakan niya upang magpatuloy sa gita ng mga hirap at pasakit na dinanas sa training ngayong kasagsagan ng pandemya. Lubos ang pasasalamat ng bangong Olympic ’superstar’ sa lahat ng nagdasal para sa kanya at kasama niyang nagalay ng nobena sa Birhen nitong mga nakaraang buwan.

Totoong dinining ng langit ang mga panalangin ni Hidilyn pati na rin ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Buong PIlipinas ay proud na proud sa kanyang pagkapanalo sa gitna ng krisis na dinaranas ng bansa dulot ng COVID-19. Matatandaan, na na-lockdown sa Malaysia ang dalaga dahil sa pandemya at napilitan gumamit ng mga improvised equipment katulad ng mineral water gallons para sa ensayo.

SM food to go Banner Ad

Sa gitna ng mga panlalait at pananakot ng mga basher saad ni Diaz, patuloy siyang sumampalataya na walang imposible sa Diyos. Suot ang Mapaghimalang Medalya ng Birhen buong kumpiyansa niyang malalampasan ang mga balakid. At nagyari nga ang inaasahang himala— matagumpay niyang nabuhat ang 224 kilong barbel sa tulong ng panalangin at moral support ng team, mga kaibigan at pamilya!

Pagabati ni Jose Cardinal Advincula, Arsobispo ng Maynila kay Bb. Diaz: “Salamat Hidilyn sa napakalaking karangalan na ibinigay mo sa ating bansa. Ang tagumpay mo ay nagbibigay ng liwanag, inspirasyon at pag-asa sa aming lahat, lalo na sa mahirap na panahong ito.” Pinuri ng Simbahan ang matibay na pananalig ng atleta sa Poon at malalim na pag-big sa Mahal na Birheng Maria.

Pinasasalamatan ng mga Kristiyano sa buong mundo si Hidilyn sa kahanga-hangang pagpapatotoo at paalala na walang tunay na tagumpay kung hindi ito nagmumula sa Diyos. Ngayong nakamit na ni Bb. Diaz ang minimithing tagumpay bilang kauna-unahang Olympic gold medalist ng PIlipinas sa Olympics nawa manatili siyang inspirasyon at tapat bilang Katoliko at deboto ng Mahal na Birhen hanggang sa kahuli-hulihan sa kabila ng mga parangal, titulo at biyayang natamo dahil sa nasabing pagkapanalo.

Kaisa ni Hidilyn Diaz ating patuloy na pagsusumamo sa Mahal na Birhen: “O Mary concieved without sin, pray for us who have recourse to thee!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.