Abante Tonite
Mabilis sa Balita

#WalangPasok kung bagyo depende sa LGU

0 45

Sa isang virtual press briefing, sinabi Department of Education (DepEd) Undersecretary Diosdado San Antonio na maaaring kanselahin ang klase sa mga lugar na nawalan ng kuryente, lalo kung online class, sakaling nagkaroon ng paghagupit ng bagyo, pero depende pa rin umano sa desisyon ng local government unit (LGU).

“Personally, ang tingin ko dapat walang pasok sa araw ng bagyo o iyong nagre-restore pa [ng kuryente], pero hindi siya kasinghaba nang dati,” ani San Antonio. Dagdag pa ng opisyal hinggil sa suspension ng klase, “For those doing the printed self-learning modules, talagang iyong araw ng bagyo siguro saka ‘pag araw na nag-aayos pa ‘yong mga bahay.”

Pinunto rin ni San Antonio na ang mga lokal na gobyerno ang magdedesisyon kung magsususpinde ba ng mga klase o hindi. Marami nang private school ang nagsimula na ng school year sa pamamagitan ng at-home learning habang magsisimula ang mga pampublikong paaralan sa Oktubre 5 sa pamamagitan ng mga printed at digital module, online class, telebisyon, at/o radyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.