Abante Tonite Interactive

Walay latoy si ‘manoy’

0 758

MRS. CARIÑOSA
Marou Pahati Sarne

Kapag dumarating si mister sa edad kuwarenta pataas, madalas na inire­reklamo ni misis na wala na itong kalatoy-latoy. Ang kadalasang dahilan ni mister ay ang pagkapagod sa trabaho at ang mahabang biyahe sa trapik.

May mga misis na nagdududa na baka may iba nang kinalolokohan si mister. Pero ang hindi maamin ni mister, talagang kahit anong gawin niya ay hindi makatayo si manoy.

Kulang na pala ang pagdaloy ng dugo sa corpora cavernosa ni mister. Ang ari ng isang lalaki ay mayroong parang espongha na sumisipsip ng dugo na nagiging dahilan ng pagtayo nito. Pero habang tumatanda, tumi­tigas ang mga ugat na dinadaluyan ng dugo at umuunti ang nagagawang nitric oxide ng endothelial cells.

Ang nitric oxide ay nagagawa ng amino acid na L-arginine sa endothelial cells na nasa loob naman ng ugat na daluyan ng dugo. Tinutulungan ng nitric oxide na pabukahin ang ugat para sa mas magandang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng tao.

Batay sa pag-aaral ng Nobel Peace Prize winner na si Dr. Louis Ignarro, ang nitric oxide ay nakakapagpa-relax sa ugat, Pero nababawasan ang produksyon nito sa katawan dahil sa pagkabawas din ng L-arginine bunga ng pagtanda.
Mahalaga ang L-arginine (na gumagawa ng nitric oxide) hindi lang para sa pagbuka ng ugat na daluyan ng dugo kung hindi para rin sa pagpapalabas ng growth hormone at insulin.

Nakukuha ang L-arginine mula sa karne ng baka, baboy, tupa at iba pang red meat, manok, isda, itlog at mga dairy products tulad ng gatas at keso. Pero kadalasang mababa lang ang dami ng L-arginine na nakukuha sa mga pagkaing ito kaya’t kinakailangang magsuplemento.

Para sa may problema kay manoy, makakatulong ang pag-inom ng hanggang 1,000 milligrams ng L-arginine para muling padaluyin ang dugo patu­ngo sa ibaba. Bukod sa babalik ang sexua­l function, makakatulong din ang L-arginine sa magandang daloy ng dugo sa puso, utak at iba pang internal organs.

Napapababa rin nito ang blood pressure at napapadali ang paggaling ng mga sugat.

Mag-ingat lang kung umiinom din ng blue pill o sildenafil. Kapag pinagsama ang L-arginine at sildenafil, maaaring masyadong bumaba ang presyon ng dugo at baka hindi si manoy lang ang tumigas, kung hindi ang buong katawan na ni mister.

Kung may katanungan pa sa L-arginine, mag-text sa 0919-621-5222.

***
Si Marou Pahati-Sarne ay may mga programang pangkalusugan sa DWIZ 882 KHZ AM: Radyo Klinika at Kalusugang Kakabilib.