Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walk-in bawal muna sa PGH

0 91

Pansamantalang hindi na muna tatanggap ang Philippine General Hospital (PGH) ng mga COVID-19 walk-in patient sa kanilang emergency room.

Ito ang inianunsiyo ni Dr. Jonas Del Rosario, spokesperson ng PGH, matapos umabot sa full capacity ang kanilang kama para sa mga coronavirus patient.

Pinayuhan ni Del Rosario ang publiko na pumunta muna sa ibang ospital dahil kinakapos na rin sa oxygen ang PGH na itinuturing na pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pansamantala lamang naman ito. Kapag may mga gumaling na at lumuwag na, puwede na muling tumanggap.”

Sinabi ni Del Rosario na lumampas na sila sa 230 bed capacity.

“It would only put the patients and our staff at risk if we allow the numbers to continue to increase,” dagdag niya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.