Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walk-in vaccination sa Caloocan sinuspinde

0 93

Sinuspinde ng Pama­halaang Lungsod ng Calo­ocan ang walk-in vaccina­tion matapos na dumagsa sa mga vaccination site ang gustong magpabaku­na ng COVID-19 vaccine.

Ito ang inanunsiyo kahapon ni Mayor Oscar Malapitan makaraang makita ang mahabang pila ng mga residente ng gustong magpaturok.

Sabi ng alkalde, pansamantala lang ang pagpapahinto sa walk-in vaccination para maibsan ang posibleng hawaan ng nasabing sakit, lalo pa’t tumataas na naman ang nagpopositibo at bi­glang lumobo ang bilang ng mga nagkakaroon ng Delta variant sa Metro Manila.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman inihinto ang walk-in vaccination sa mga senior citizen na binibigyan ng prayoridad na mabakunahan na.

Muling iaanunsiyo ng lokal na gobyerno kung puwede na uli ang walk-in vaccination pagkatapos ng ipatutupad na enhanced community quarantine sa Agosto 6-20 o sa oras na bumaba na ang kaso ng COVID-19. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.