Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walker, Celtics pinugutan Cavs

0 85

Kinamada ni Jaylen Brown ang 20 sa kanyang 33 points sa third quarter at nilampaso ng Boston Celtics ang Cleveland Cavaliers 141-103 sa 75th NBA regular season game Linggo ng gabi sa TD Garden sa Massachusetts .

Umayuda pa si Kemba Walker ng 21 points, may 17 si Daniel Theis at kinalsuhan ng Celtics ang three-game skid patungo sa 9-6 win-loss overall record at hilain pababa sa 8- ang biniktima.

Ipinoste ng Boston ang season-high sa isang half nang dumistansiya 73-51 pagkatapos ng first two quarters.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May pinagsamang 27 points sina Carsen Edwards at Marcus Smart sa Celtics.

“We needed this win,” bulalas ni Brown. “We lost three in a two. Being back on our floor, we wanted to make sure we came out with great intensity and we did.”

Nadiyeta sa 13 points lang ang kamador ng Cleveland na si Collin Sexton pero team-high na. Malayo ‘yun sa kanyang average na 26.8 per game. Natapos sa tatlo ang winning run ng Cavs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.