Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walker, Celtics walang pawis!

0 195

NANGANGAMOY sweep sa panig ng Boston Celtics dahil tinaob ulit nila ang Philadelphia 76ers, 102-94, kahapon sa Game 3 ng 2019-2020 NBA Eastern Conference playoffs sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Nagsanib puwersa sina Kemba Walker at Jaylen Brown upang kayurin ang 3-0 serye sa kanilang best-of-seven game.

Tumikada si Walker ng 24 points at walong rebounds para sa Celtics habang 21 ang binakas ni Brown.

SM food to go Banner Ad

Dikitan ang naging banatan sa halftime kung saan dalawang puntos lang ang abante ng Celtics, 51-49.

Pukpukan pa rin sa second half pero sa bandang huli ng fourth ay kumalas na ang Boston para angkinin ang panalo at lumapit sa asam na masikwat ang titulo ngayong season.

Dalawang pambato ng Sixers ang humarurot ng double-double pero hindi sapat para iahon ang Philadelphia.

Kumana si Sixers star Joel Embiid ng 30 puntos at 13 rebounds habang 15 point at 15 boards ang tinulong ni Tobias Harris. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.