Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walker inako talo ng Celtics

0 67

Inako ni Kemba Walker ang kanyang naging kakulangan sa performance dahilan para tumilapon ang Boston Celtics sa Toronto Raptors nitong Linggo (Manila time).

Tumaob sa Game 4 ng 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 Eastern Conference second round semifinals ang Celtics sa defending champions 100-93 upang magtabla ang ang dalawa sa race to four win playoffs.

“I got to be more aggressive,” giit ni Walker, na may 15 points sa 4-for-9 shooting, sa halos 41 minuto. “I wasn’t aggressive enough. That’s unacceptable on my behalf, to be honest. There’s no way I can just be taking nine shots. That’s unacceptable.”

Gayun pa man, batid ng 30-year-old playmaker na kailangan bumawi at tulungan pa ang kanyang mga teammate sa next game bukas ng ng alas-6:30 nang umaga (PH time).

“Obviously, we didn’t want to come out that way, but it just happened. We’ve just got to clean it up. We’ve got to find a way, man. We’ve got to be better. I have to be better. I have to find a way to get my teammates at a higher intensity, and I will. I’m going to try my best to bring the best out of these guys,” wika ni Walker.

Sa darating na Martes, magtatagpo muli ang dalawang kampo alas-6:30 ng umaga (Manila time) para sa Game 5. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.