Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Walker, Painters aasinta ng korona

0 106

Isa si Henry Walker sa mga comebacking imports sa 46th PBA 2021-22 Governors Cup.

Ngayong taon, sa Rain or Shine naman magseserbisyo ang masipag na guard/forward.

Suki ng season-ending conference ang 34-anyos at foot-6 na dating NBA campaigner.

Unang naglaro para sa Alaska Aces noong 2014, nagkaroon din ng stint sa NLEX (2016) at Blackwater Elite noong 2017 at 2018.

Noong isang taon, naglaro si Walker sa Japan B.League para sa Shiga Lakestars – ang team ni Kiefer Ravena.

Related Posts

Impressed ang Elasto Painters sa level ng kumpetisyong ibinibigay ni Walker sa court, impact na nadadala niya hanggang labas.

“We chose Henry Walker because of his abiity to bring his game and his teammates to another level,” ani RoS coach Chris Gavina Biyernes. “He leads by example and holds everyone to the highest standards.”

Hindi pa lang nakakapagkampeon sa liga si Walker, desididong habulin ang una niya.

“His drive to win his first PBA championship also coincides with our vision of winning it all,” dagdag ni Gavina.

Makikipagtambalan si Walker kina regulars Beau Belga, Gabe Norwood, Javee Mocon, Rey Nambatac at rookies Santi Santillan, Anton Asistio, Andrei Caracut at Franky Johnson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.