Abante Tonite Interactive

Walker paparusahan sa sex party lockdown

606

Nahaharap ang Manchester City English defender na si Kyle Walker sa mabigat na kaparusahan matapos lumabag sa ipinapatupad na batas laban sa coronavirus disease 2019 lockdown, nag-host ng isang ‘sex party.’

Humingi ng paumanhin ang 29-anyos na England defender sa ulat ito ng Sun newspaper, na nagbunyag ding dalawang call girls ang inimbitahan ng soccer player sa kanyang bahay noong Martes.

Isinagawa naman ni Walker Miyerkoles sa social media ang panawagan sa publiko na sundin ang ipinatutupad ng gobyerno na guidelines sa social distancing.

Iniulat ng Britain na may 621 na ang karagdagang namatay sa COVID-19 sapul pa nong Sabado at umabot na sa kabuuan ang mga nasawi sa 4,934.

“I want to apologize to my family, friends, football club, supporters and the public for letting them down,” ani Walker. “There are heroes out there making a vital difference to society at the moment and I have been keen to help support and highlight their amazing sacrifices and life-saving work over the past week.”

Si Walker ang ikalawang high-profile Premier League player na nahuling lumabag sa guidelines ng pamahalalan tapos ni Jack Grealish ng Aston Villa.

Naki-poarty rin ang Villa captain sa nakaraang linggo at nakuhanan ng litratong sa malapit sa isang kalsada na nakasinelas, ilang oras bago ito nag-post sa video na hinihikayat na manatiling ligtas sa bahay ang lahat sa kanyang follower sa social media.

Nag-sorry si Grealish sa kinauukulan, pero namultahan at dinisiplina ng Villa. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad