Abante Tonite Interactive

Walkout ni Amon idinetalye ni Kiel

0 277

Usap-usapan ang pagwo-walkout ng singer na si Morissette Amon sa concert ni Kiel Alo sa Music Museum nitong Miyerkules, November 6.

Tinitira ngayon ang professionalism ng singer dahil sa hindi niya pagkanta noong turn na niya.

Sa post ng Roldan Castro Youtube channel sa panayam kay Kiel Alo.

Ikinuwento niya kung ano ang naging dahilan nito.

Noong mga panahong iyon ay kapwa iniinterbyu sila ng batikang reporter na si Mario Dumaual.

Ani Kiel, “Tinanong siya dun sa father niya. Inexplain niya … yung pinagdadaanan niya and all. Tapos after daw po nun parang na-offend siya.”
Sa pakiramdam ng singer ay nasaktan si Morissette sa unexpected question ng reporter.

Dagdag pa ni Kiel, “Siguro the term would be ‘hurt’, na-hurt siya. Kasi may sinabi si Tito Mario Dumawal na ‘di bale hindi naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak.”

Noong nasa dressing room pa umano si Morissette ay inuntog niya ang ulo hanggang sa dumugo.

Bukas ang panig ni Morissette para sa ikakalinaw ng isyu. (Rona Ronda)