Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wall, Gordon dinurog OKC

0 129

Labing-isang 3-pointers ang pinasabog ng Houston sa 48-point first quarter, sapat para tustahin ang Oklahoma City 136-106 sa 75th NBA regular season game sa Chesapeake Energy Arena sa Oklahoma Lunes ng gabi.

Nilista ni John Wall ang first 8 points ng Rockets tungo sa 18 points na sinahugan ng 6 rebounds at 5 assists sa loob lang ng 22 minutes para isalba ang team sa 10-9 win-loss record at itulak ang biktima sa 8-11.

SM food to go Banner Ad

Walang starter ng Houston ang tumagal ng higit 27 minutes sa loob, petiks-petiks na lang na ginamit ni coach Stephen Silas nang dumistansiya ang Rockets 73-54 sa half. Umabot ng hanggang 26 ang bentahe ng winning team.

May 18 points at 11 rebounds pa si Gordon Wood sa Rockets, may 15 points at 7 assists si Victor Oladipo..

Ang 19 points ni Shai Gilgeous-Alexander ang tanging kumasa para sa OKC. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.