Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wall I can lean on – my Pader!

0 310

Kung tatanungin ko kayo, alam kong gusto n’yo nang matapos ang taong ito. Hindi biro ang iniwan nitong marka sa atin partikular sa naging epekto ng COVID-19 global pandemic.

‘Wag kayong mag-alala, nakakakalahati na tayo. I don’t know if it’s just my observation o talagang mabilis ang usad ng araw. Akalain mo ‘yon at kalahati na ng 2020 ang nakakalipas?

At dahil June na ngayon, hindi pwedeng mawala ang celebration ng Fathers’ Day kung saan mas mapapadama natin ang paghanga natin sa mga tinaguriang haligi ng tahanan.

Pero alam niyo ba na isang babae ang nakaisip na ipagdiwang ang Araw ng mga Ama? Siya si Sonora Smart Dodd.

Noong 1909 kasi ay napagtanto ni Sonora na kung may Mothers’ Day, s’yempre dapat ay may araw rin para sa mga tatay. Kaya naman humingi siya ng tulong sa local businesses and associations upang masuportahan ang kanyang ideya. Taong 1972 ay naging official holiday na ang Fathers’ Day sa Amerika at nagsimula nang kumalat sa iba’t ibang bansa ang selebrasyong ito.

SM food to go Banner Ad

Tunay ngang hindi matatawaran ang trabahong ginagampanan ng mga ama. Mahirap magtrabaho ng walong oras o higit pa kada araw para lang patuloy na matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Kaya naman saludo talaga ako sa mga working father diyan. Ngunit hindi lang ang mga ganitong uri ng ama ang dapat bigyan ng parangal at pagkilala.

Kilalanin din natin ang mga house husband na sa tahanan umiikot ang sipag. Ganon din naman ang mga single dad na nagsisilbi na ring ina para sa kanilang mga anak.

Ang pagiging ama ay isang calling. Maaring wala kang anak at asawa ngunit kung tinawag ka pa rin upang magsilbing ama para sa iilan, ikaw pa rin ay kahanga-hangang haligi ng tahanan.

Kaya naman sa lahat ng mga tatay, ama, daddy, papa, father, pops, happy fathers’ day! Sa aking tatay, talaga namang I can lean on you because you are my Pader! (with reports from John Rey Ibañez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.