Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wall nagsori sa Twitter

0 76

Lumabas sa social media ang video ni John Wall kasama ng ilang kaibigan na nagpa-party-party, hubad pa ang pang-itaas.

Kuha aniya ‘yun sa Brooklyn, New York, sumasabay-sabay pa ang grupo sa hip-hop music sa background.

Walang masama.

Ang ipinagtaas ng kilay ng mga nakakita sa video ay ang kumpas ng mga daliri ni Wall at mga kasama.

Mga ‘gang sign’ daw ‘yun, hindi nagustuhan ng iba.

Dapat wholesome talaga?

Makalipas ang ilang oras, nag-post sa Twitter si Wall, humihingi na ng sorry sa ginawa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.