Abante Tonite Interactive

Walong higanteng supermarket, pinagkakitaan ang TRAIN Law

By
1,979

Ibinunyag kahapon ng isang opisyal ng Department of Finance (DoF) na walong malalaking supermarket sa bansa ang nagdagdag na ng presyo sa ilang pangunahing produkto bilang epekto umano ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law simula noong Enero 1, 2018.

Gayunman, sinabi ni Finance Undersecretary Karl Chua na iligal ang nasabing hakbang ng mga negosyante dahil lumagpas sa nasasakop ng unang package ng tax reform law ang ipinatong nila sa presyo ng kanilang mga paninda.

Ayon kay Chua, natuklasan nila ito sa isinumiteng report sa kanila ng Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa takbo ng presyo ng mga produkto sa iba’t ibang supermarket, pamilihan at mga palengke sa bansa.

Sinabi ni Chua na pinadalhan na nila ng inquiry letter ang walong higanteng supermarket para magpaliwanag kung bakit pumalo ng todo ang presyo ng ilang pangunahing produkto sa kanilang mga establisamyento.

Aniya, isa itong lantarang paglabag sa ipinaiiral na suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing produkto na tinatangkilik ng publiko.

“Of the eight, three already agreed that their prices were too high so they adjusted and the five are still going to respond,” ani Chua.

Gayunman, tumanggi si Chua na tukuyin ang pangalan ng mga higanteng supermarket.

Aminado rin ang opisyal na nahihirapan ang gobyerno na bantayan o i-monitor ang operasyon ng lahat ng business establishment sa bansa kung kaya’t mas nakatuon ang kanilang atensyon sa malalaking tindahan o department stores.

Aniya, wala namang malaking paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa mga lalawigan na nakapagtala ng 3.5 percent Binalaan naman ng gobyerno ang mga negosyante na huwag magkakamaling samantalahin ang TRAIN dahil ang mga iniimbentaryo nila ngayon ay nabili nila gamit ang lumang tax rates noon.