Abante Tonite Interactive

Wanda Teo ‘ipapalapa’ sa Ombudsman

0 1,616

Ipapaubaya na ng bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo-­Puyat ang posibleng paghaharap ng reklamo laban sa kanyang pinalitang kalihim na si Wanda Teo, sa tanggapan ng Ombudsman.

Si Teo ay nagbitiw matapos ibuking ng Commission on Audit (COA) na kulang sa dokumento ang P60 mil­yong ibinayad ng DOT sa Bitag Multimedia Unlimited Inc. para sa advertisement sa prog­ramang ‘Kilos Pronto’ nina Ben at Erwin Tulfo, mga kapatid ni Teo, sa government television network PTV-4

Sa ngayon ay sini­mulan na ng Ombudsman ang pagsisiyasat sa transaksyon ng ad.

Immediate-Hiring-Ads

Binigyang diin ng kalihim na ipapaubaya na rin niya sa COA kung ano ang magiging hakbang nila sa kanilang natuklasang iregularidad.

Gayunpaman, sinab­i ni Puyat na titingnan niya ang mga proyektong pinasimulan ni Teo kung hindi ito dumaan sa kaukulang proseso.