Abante Tonite Interactive

Wang Suk Hyun wagi sa kaso vs fan

192

Rose Garcia

tonite-annyeong-rose-garciaNagbu­nga ang pagsasampa ng kaso ni Wang Suk Hyun laban sa isang nagpapakila­lang “fan” pero pinagbantaan naman siyang papata­yin.

Few months ago ay naisulat na rin namin dito na magpa-file ng legal complaints ang actor laban sa nangti-threat sa kanya, base sa pahayag ng kanyang agency.

Ang naturang fan ay sinentensyahan na ng sampung buwan na pagkaka-bilanggo dahil sa pananakot nito na papatay nga. Pero sa paglilitis, sinabi ng fan na meron daw siyang “Aspenger Syndrome,” isang developmental disorder cha­racterized by difficulties in social interaction and nonverbal communication. Pero ayon sa korte, ang naturang kondisyon naman daw ay hindi pa makaka-categorize na insanity o sakit sa pag-iisip.

Ayon sa korte, “In August 2017, he committed a crime and on December 20, 2018 during his probation period, he called the victim’s school and spread false information claiming that the victim stole belongings. On the same day, he called the victim’s school and agency pretending to be a person related to the victim and threatened to ‘kill him’. As a result, the defendant has been found guilty.”

Noong December 2018 unang naglabas ang agency ni Wang Suk Hyun na may natatanggap itong death threat. Nag-request sila ng investigation sa Seongdon Police Station na nahuli ang lalaki through public phone records and CCTV footage. Doon nga nalaman na isang fan ang lalaki at dahil dito, pinagbawalan ang young actor na lumabas ng bahay.

Noong January 24 ang unang trial, inamin naman ng lalaki ang lahat ng kasalanan niya at humingi ng kapatawaran sa ginawa niya.

Ayon dito, “I got to know Wang Suk Hyun through the drama Can’t Live Without You and I wanted to be his friend so I went to his school and befriended him and got to know his phone number.

After that, he betrayed me so I got mad and searched online about him and eventually even threatened him. I’m truly reflecting on my actions and am sorry. I was wrong.”

Si Suk Hyun ay huling napanood sa MBC drama na “A Pledge to God” kunsaan may malaking papel siyang ginampanan.