Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wang-wang

0 115

Hella, Fiamm, Bosch Europa, Denso, trumphet horns.

Ilan lamang ang mga ito sa mga prominenteng busina na lumilikha ng di-pangkaraniwang tunog na tumutulig sa mga tenga ng nakakarinig lalo na doon sa mga malalapit lamang sa lokasyon ng sasakyang pinagkabitan sa mga ito.

Ang kadalasang bulong ng mga nasasaktan ang tenga sa tunog ng mga ito ay ang mga katagang “ang yabang naman nito.”

Pero alam niyo bang walang binatbat ang mga businang ‘yan sa mga totoong kulang sa pansin sa kalsada?

Paano naman kasi, meron talagang hindi na makayanang pigilin ang taglay na kayabangan sa katawan at kahit hindi naman lehitimong pangresponde ang sasakyan ay kinakabitan ng wang-wang o sirena.

Guys, ang wang-wang ay instrumento na may malakas at nagmamadali at di-pangkaraniwang tunog na dapat ikinakabit lamang sa mga awtorisadong sasakyan ng pamahalaan upang maging mabilis ang pagresponde sa kagipitan.

Kaya naman hindi na nga nakapagpigil ang dating pinuno ng PNP at kasalukyang senador na si Ping Lacson at nakapagbitiw ng mga pahayag na para maibalik ang tiwala sa pamahalaan at maging ng publiko sa kanilang kapwa, kailangan nang sama-sama tayong kumilos para maawat na ang pag-abuso sa wang-wang.

Ang sabi pa nga ni Senador Ping, hindi lamang ang kapulisan ang may responsibilidad para hulihin ang mga umaabuso sa “wang-wang” dahil may tungkulin din ang pribadong sektor na kadalasang naabala at nahahawi sa mga lansangan.
At ito nga po ang eksaktong sinabi niya tungkol sa nabanggit na uri ng pang-eepal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“No one wants to be stuck in traffic while heading for school or work, much less see the so-called privileged few zip past them in cars with wang-wangs blaring. In some cases, the passengers of the vehicles with wang-wang are not even the government officials authorized to use such items. But we can do something about it instead of feeling helpless.”

Kahit pa nga daw mga ambulansiya na kabilang sa mga awtorisadong magkabit ng wangwang ay dapat na sipatin ng maayos sa mga lansangan dahil hindi sa lahat ng oras ay pasyente ang dahilan ng kanilang pagmamadali.

Tama rin naman dahil kadalasan, ang mga ambulansiyang nagmamadali ay nagiging dahilan ng pagkakabuhol buhol ng trapiko sa mga dinadaanan nito, at paano nga naman kung ang sakay ng ambulansiya ay hindi pasyente kundi mga gusto lamang makalabag sa batas-trapiko.

Ang sabi pa nga ni Senador Ping ay “I just hope the PNP can sometimes randomly flag down such ambulances, especially if they cause traffic build-ups.”

Malaki din daw ang magiging bahagi ng DTI para mawala ang wangwang dahil sila ang may kapangyarihan na warningan ang mga car accesories shops na nagbibenta ng mga ito.

Sa panig naman ng publiko, pinaalala ni Sendor Ping na dapat na maging alerto umano ang mga ito, pati na rin ang mga netizen at kapag may nakitang gumagamit ng wang-wang sa lansangan na kinaroroonan nila ay agad na i-report sa mga awtoridad.

Kaya nga siguradong malalansag ang kayabangan na ito kung magsasama-sama tayong lahat.
Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.