Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wangs liyamado sa D-League

0 85

Sa pagpaparada ng buo pa ring lineup, patok ang Wangs Basketball@26-Letran, Eco Oil-La Salle at Adalem Construction St. Clare sa pagbabalik sa Huwebes ng 10th Philippine Basketball Association D-League mula sa dalawang taong pagkatengga sa COVID-19.

Kakadepensa lang ng Knights sa 97th National Collegiate Athletic Association, sumegunda ang Green Archers sa UP Fighting Maroons sa 84th University Athletic Association of the Philippines pareho nitong Mayo, at kakaupo lang ng Saints panlimang trono ng 20th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities nitong Hunyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero ipinahayag Martes sa virtual Philippine Sportswriters Association Forum ni St. Clare coach Jinino Manansala na ayaw niyang maging paborito at sa halip ay tinuro ang La Salle, Wangs at ang Marinerong Pilipino.

“Intact na teams sila at mataas na liga ang nilalaruan,” aniya sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at Philippine Amusement and Gaming Corporation. “Pero siyempre in fairness sa ibang teams, lalaban kami. Hindi kami sumali rito para tumakbo lang.” (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.