Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted, 3 pa naaktuhang bumabatak

0 214

Nadakma ng mga awtoridad ang itinuturing na High-Value Target (HVT) at tatlo pa na naaktuhang nagsa-shabu sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, nitong Sabado.

Kinilala ni PLTCOL Cristine Tabdi, station commander ng Quezon City Police District (QCPD)-Talipapa Police Station 3 (PS 3), ang mga suspek na sina Regan Alabastro, 36, No. 6 sa Station Level drug watchlist; Jeanalyn Bartolay, 46; Sherla Baylon, 34; at Kurt Pabalate, 33, pawang taga-Brgy. Tandang Sora.
Sa ulat, alas-7:50 ng gabi (June 5) nang maaresto ang mga suspek sa tahanan nina Alabastro at Bartolay.
Nagsasagawa umano ng anti-criminality operations ang pulisya nang maaktuhan ang mga suspek sa kanilang shabu session.

SM food to go Banner Ad

Nakumpiska sa mga ito ang walong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P68,000, isang pakete na may bakas ng shabu, improvised glass tooter, 2 aluminum foil strips at 2 disposable lighters.
Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.