Abante Tonite Interactive

Wanted bagong ka-love team ni Alden

By
141

MAGBABALIK ang Pambansang Bae Alden Richards sa paggawa ng teleserye sa 2018.

Balitang ang Philippine version ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun ang pagbibidahan ni Alden.

Ang Descendants of the Sun ang nagtampok sa Korean superstars na sina Song Joong-ki at ang misis niya in real life na si Song Hye Kyo.

Huling napanood si Alden sa primetime teleserye na Destined To Be Yours na siyang unang teleserye nila ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza sa GMA-7.

Pero usap-usapan na hindi na raw si Maine ang magiging partner ni Alden sa Philippine version ng Descendants of the Sun.

Ayon sa aming source ay maghahanap sila ng bagong artista para iparehas kay Alden.

Kung matatandaan ay dapat si Alden ang gaganap na Mateo sa Philippine version ng hit Koreanovela na My Love From The Stars. Iyon sana ang unang pagtatambal nila ni Jennylyn Mercado sa isang teleserye.

Pero hindi pa man nagsisimula ang project, umalma na ang AlDub fans at nagbantang hindi nila susuportahan ang teleserye na iyon unless si Maine Mendoza ang ka-partner ni Alden.

Ang ending, si Alden ang pinalitan at kinuha ang baguhang si Gil Cuerva bilang Mateo.

May mga umalma pa kayang mga AlDub fans kapag nakahanap na ng bagong leading lady para kay Alden? Sinabi naman ni Maine na wala silang relasyon ni Alden at magkaibigan lang sila. Kaya okey na i-partner na si Alden sa iba, ‘di ba?