Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted mas piniling matsugi kesa makulong

0 77

Patay ang isang lalaking wanted sa batas matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na maghahain ng warrant of arrest sa San Pedro City, Laguna noong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si James Elomina, na ayon sa mga pulis ay miyembro ng Ireneo Fajardo criminal group sa Laguna at wanted sa kasong homicide.

Sa report ng San Pedro City police, isinagawa ang operasyon sa Barangay Cuyab nang matimbreng pagala-gala ito sa lugar habang armado ng baril.

Nang aarestuhin na ito ng tauhan ng Laguna Provincial Intelligence Unit at San Pedro police ay kumaripas ito ng takbo sa bahang lugar at pinaputukan ang lumalapit na mga pulis.

Bunga noo’ny napilitang gumanti ang operatiba at napuruhan si Elomina. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.