Abante Tonite Interactive

Wanted Mr. & Ms. BPO

12

NAGING matagumpay ang dalawang araw na screening days para sa kauna-unahang Mr. & Ms. BPO. At dahil marami pa ang gustong sumali, magkakaroon ng last screening day sa October 14, 1 to 5 p.m. sa I’M Hotel (located at Makati Avenue corner Kalayaan Avenue).

The search is open sa lahat ng BPO or mas kilala bilang call center employees. Ang age requirement, 18 to 26 years old, single, Filipino citizen or with Filipino blood ancestry, at least 5’4” tall for female and 5’6” tall for male. Dapat seksi, may pleasing personalities, and with good moral character. He/she must also be regular employees of the company and a resident of the Philippines.

Layunin ng Mr. & Ms. BPO na i-promote ang excellence, leadership and camaraderie in the workplace. Nais din nitong bigyan ng tribute at ipagdiwang ang natatanging galing at talino ng mga nagtatrabaho sa BPO industry na ngayo’y itinuturing na mga ‘bagong bayani’ ng ating bansa.

Ang mga mapipiling official candidates ay sasai­lalim sa isang holistic approach na workshop at training sa ilalim ng mga sikat na personalidad. Kabilang dito ang first winner ng The Apprentice Asia na si Jonathan Yabut, Binibining Pilipinas 2016 Miss Intercontinental Jennifer Hammond, Emotional Intelligence expert Ruby Mañalac, fitness enthusiast and model Mauro Lumba at ang Manhunt International 2012 titleholder na si June Macasaet.

Para sa mga nais sumali sa Mr. and Ms. BPO, check out the official website (www.mrandmsbpo.com) and download the application form. For more details, follow the event’s social media accounts on Facebook (MrandMsBPOofficial), Instagram (mrandmsbpoofficial), Twitter (MrandMsBPO) and on YouTube (MrandMsBPO).

For other inquiries, you may call the Mr. and Ms. BPO secretariat at 0977-3846984.

Ang Mr. & Ms. BPO ay produksyon ng Royale Chimes Concerts and Events Inc. for the benefit of Habitat for Humanity. Ang finals night ay gaganapin sa November 21 at the Mall of Asia Arena.