Abante Tonite Interactive

Wanted na 9 Hapon pinatapon palabas ng ‘Pinas

307

Siyam na puganteng Hapones na naaresto ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BIFSU) ang pina-deport pabalik sa kanilang bansa kahapon.

Ang siyam na deportee ay kabilang sa 36 Japanese fugitive na inaresto habang nagtatago sa Pilipinas para maiwasan ang sentensya sa pagkakakulong sa krimeng nagawa.

Bantay-sarado ng mga miyembro ng BIFSU ang mga deportee nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal at ito ay na-turn over sa mga Japanese authority bago sumakay sa Japan Airlines (JAL) flight 746 alas-7:45 ng umaga patungong Narita, Japan.

Ang mga puganteng Hapones ay miyembro umano ng sindikato at sangkot sa cybercrime gamit ang mga mobile phone na bumibiktima sa kanilang kababayan nang maaresto sa isang hotel sa Makati habang nag-i-extort ng mala­king halaga sa kanilang kababayan sa Japan at sa Pilipinas.

Base sa mga immigration record, ang mga pugante ay duma­ting sa bansa bilang mga turista at nag-overstay sa bansa. (Otto Osorio/Mina Aquino)