Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted na Czech timbog sa Makati

0 115

Sa bisa ng isang mission order, dinampot ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Czech national na wanted ng mga awtoridad sa Prague dahil sa pandaraya at paglustay.

Kinilala ang dayuhang pugante na si Eva Sorelova, 48, na inaresto sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng ahensya.

Si Sorelova ay hinuli dahil na rin sa kahilingan ng mga awtoridad sa Czech. Made-deport ito dahil sa kawalan umano ng travel document at balidong passport, ayon sa BI.

Nabatid na si Sorelova ay may dalawang arrest warrants na inilabas ng isang district court at isang municipal court sa Prague noong Hulyo 28 at Oktubre 9, kung saan siya ay nahaharap sa kasong aggravated fraud at pandarambong. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.