Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted na Kano dinampot sa Angeles

0 98

Pinosasan ang isang American national na sinasabing wanted sa mga kasong human trafficking at child abuse nitong Martes sa Angeles, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si Nickolas Gabriel Pyant, 61-anyos, residente ng Clarkview Residences Subdivision sa Barangay Malabanias.

May warrant of arrest na umanong na-issue ang isang korte sa Olongapo City kontra kay Pyant, dahilan para ikasa ang operasyon na ikinahuli nito.

Ang suspek ay nahaharap sa 18 counts ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at 18 counts ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.