Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted na karnaper, nakalawit

0 62

Nadakip na ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Larry Sebastian, 52, ng Barangay San Jose, Navotas.

Ang pagkakadakip dito ay base na rin sa kampanya ng Navotas City Police Station sa pag-aresto sa mga wanted person, ayon kay PCol. Dexter Ollaging, hepe ng Navotas Police.

Alas-3:30 ng hapon, nakatanggap ng impormasyon si Col. Ollaging na namataan sa lugar si Sebastian.

Dala ang warrant of arrest sa kasong Violation of R.A.6539 (anti-carnapping law), nilusob ng mga pulis ang bahay ng akusado at inaresto ito. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.